liboplays

Watch Now

David Chua reveals why he remains an “elusive” bachelor

by Arniel C. Serato
2 days ago
David Chua on love life
Actor/director/businessman David Chua: “I know my gender. I know who I am. I love my loving life. Yun lang masasagot ko dun.”
PHOTO/S: Courtesy: @daviduychua on Instagram

Sa edad na 33, nananatiling single ang actor/director/businessman na si David Chua.

Inusisa ng eawan.com (Philippine Entertainment Portal) si David kung bakit hanggang ngayon ay single pa rin siya.

Natatawang sagot ng Rated Korina director, “I’m loving my life.”

Sa showbiz, kalimitang kinukuwestiyon ang sekswalidad ng isang artista na matagal naging single o walang napapabalitang love life. Hindi ba siya natatakot malinya rito? Giit ni David, “I know my gender. I know who I am. I love my loving life. Yun lang masasagot ko dun.” Ano ba ang type niya sa isang babae? Siya ba yung masasabing marrying type? Ayon kay David, gusto niyang ang kanyang susunod na girlfriend na ang mapapangasawa niya. “Gusto ko, ang magiging next girlfriend ko ay yun na ang magiging asawa ko. "I’m 30-plus, ilang lipad na lang, I’m forty, so wala na akong chance para magloko o mambabae. “In my early 20s, napagdaanan na natin yan. Now I’m focused on my career, tapos sa buhay ko as an actor, as director, as a human being. So, kung darating, darating.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
“Marrying type? I think so. Oo, naman, sino bang may ayaw. Pero kung sino yung magiging girlfriend ko, na darating sa buhay ko, yun na yung papakasalan ko.”

Ang huling babaeng na-link kay David ay ang matalik nitong kaibigang si Cristine Reyes.

Namataang magkasama ang dalawa sa unang gabi ng LANY concert sa Mall of Asia Arena noong November 11, 2022. Eksklusibong nakapanayam ng eawan.com si David sa pamamagitan ng Viber messaging ngayong araw, January 18, 2023.

NEW YEAR, NEW OPPORTUNITIES

Kumusta naman ang pasok ng Bagong Taon kay David?

Saad nito, “Happy of course. Looking sa aking 2022, ang dami ko achievements. So this 2023, pagsalubong ko pa lang, ito na ang GoodWill.

"I’m a bit nervous kasi it’s my first time to be the lead so I’m happy and nervous and excited dahil sa marami pa tayong gagawing projects."

Kasunod nito ay nagkuwento na si David tungkol sa karakter niya sa bagong seryeng GoodWill.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ang pangalan ng character niya dito ay Lloyd Patawad.

View this post on Instagram

Saad niya, “Parang happy-go-lucky itong taong ‘to, si Lloyd Patawad, my character. “Ang daming pinagkakautangan, pangarap niya maging banda, maging rock star, maging famous, pero actually, hindi naman siya ganun kagaling kumanta. "So, ano bang pipiliin mo, yung realidad? O yung pangarap mo? Hanggang saan ka mamimili para maabot mo yung pangarap mo?"

Bukod kay David, kabilang din sa cast ng GoodWil sina Devon Seron, Raymond Bagatsing, Smokey Manaloto, Kat Galang, Ryan Rems, James Caraan, at Marina Benipayo.

Mapapanood na ang GoodWill sa darating na January 22, 4 P.M., sa NET25 bago ang Korina Interviews ni Korina Sanchez.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network
Featured Searches:
Read the Story →
Actor/director/businessman David Chua: “I know my gender. I know who I am. I love my loving life. Yun lang masasagot ko dun.”
PHOTO/S: Courtesy: @daviduychua on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the eawan.com editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results