liboplays

Watch Now

Mikee Morada speaks up as wife Alex Gonzaga continues to receive backlash

by Khryzztine Joy Baylon
A day ago
Mikee Morada defends wife Alex Gonzaga
Mikee Morada (left) to wife Alex Gonzaga (right): “Catherine, masakit at mahirap na lesson ito pero ang mahalaga ay ginawa mo ang dapat mong gawin at inako mo ang iyong pagkakamali. Patuloy man ang mga masasabing hindi maganda patungkol sa iyo at sa atin ay nandito ako para sa iyo."
PHOTO/S: Mikee Morada Facebook

Nagpahayag ng suporta si Lipa City Councilor Mikee Morada sa kanyang misis na si Alex Gonzaga hinggil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng TV host/actress/vlogger.

Nitong Miyerkules ng gabi, January 18, 2023, isinapubliko ni Alex ang paghingi ng tawad sa waiter na pinahiran niya ng icing sa bisperas ng kanyang 35th birthday.

Read: Alex Gonzaga finally issues public apology: "I will rise from this a wiser and better person."

Bahagi ng social media post ni Alex ang mga natutunan umano niya sa insidenteng ito, kalakip ang paghingi ng dispensa sa waiter na si Allan Crisostomo at sa pamilya ng TV host-actress na nadawit sa aniya’y kahihiyang nagawa niya.

Ngunit sa kabila ng kanyang public apology, marami pa rin sa netizens ang hanggang sa ngayon ay hindi siya tinatantanan. Dahil dito, minabuti na raw ni Mikee na magsalita. Sa Facebook post ni Mike ngayong gabi, inamin nitong mali ang nagawa ng kanyang misis ngunit hindi na raw tama ang mga nababasa niya online.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Aniya, sobra-sobra na ang pamba-bash na natatanggap ni Alex, at bilang asawa ay kailangan na niyang magsalita. Mababasa sa post ni Mikee (published as is): “Madami na ang nasabi tungkol sa aking misis dahil sa nangyari noong kanyang birthday celebration. “Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais ko lang sabihin na nagkamali ang aking asawa. “Madaming mga rason na maari kong sabihin kung bakit niya nagawa iyon pero walang excuse sa kanyang pagkakamali. Nagkamali talaga siya. “Na recognize niya ang kanyang pagkakamali at napagdesisyonan na agad na humingi ng dispensa kay Kuya Allan.”

Read: Alex Gonzaga apologizes to waiter after severe bashing online

Ayon pa kay Mikee, hindi na katanggap-tanggap ang tirada ng ilang netizens kay Alex. Maging ang pinagdaanan daw kasi nitong pagsubok noong malaglagan sila ng anak ay inuungkat pa. Sabi ng Lipa City councilor, “Pero kahit na sa kanyang paghingi ng dispensa at gawin ay may masasabi pa din sa kanya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
“Tanggap natin yan pero bilang asawa masakit yung mga nababasa ko na sobra naman na pati ang pinagdaanan nya bilang babae ay naungkat pa. “Kahit nagkakamali ang isang tao wala pa rin tayo karapatan murahin ito.”

Read: Handwritten letter ng waiter na pinahiran ni Alex Gonzaga, ipinagtaka ng netizens

Ayon pa kay Milkee, nagawa na ng kanyang misis ang paghingi ng dispensa, kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tinatantanan. Saad niya, “Pinili ni Alex ang maging tahimik at nagawa na ng asawa ko ang paghingi ng dispensa sa taong pinaka naapektohan sa nangyaring ito, kay Kuya Allan. “Nakakahiya din sa employer ni Kuya Allan na ngayon ay napilitan nang maglabas ng statement dahil ayaw silang tigilan ng mga nais na lalong magpalaki ng isyung ito. “Humihingi kami ng paumanhin sa inyo.”

Read: Mo Twister lambasts former Juicy! co-host Alex Gonzaga over her viral video; Mikee Morada posts message of support for Alex

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Sa huli, pinuri ni Mikee si Alex sa ginawa nitong pag-ako ng kasalanan. Ano pa man daw ang mangyari at sabihin ng iba ay mananatili siya sa tabi ng kanyang misis. Mensahe ni Mikee kay Alex: “Catherine, masakit at mahirap na lesson ito pero ang mahalaga ay ginawa mo ang dapat mong gawin at inako mo ang iyong pagkakamali. “Patuloy man ang mga masasabing hindi maganda patungkol sa iyo at sa atin ay nandito ako para sa iyo. “Pero may awa ang Panginoon, dadating ang oras maghihilom din ang lahat.” Dagdag pa niya, “I love you!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kris Lawrence defends Alex Gonzaga in icing-smearing issue; says waiter "will be grateful that this happened"

Hindi naman ito pinalagpas ni Alex. Sa comments section ng post ni Mikee ay nag-iwan siya ng mensahe sa kanyang mister. Saad ni Alex (published as is), “I learned a hard and important lesson. “I am truly sorry for the pain and embarrassment that this caused our family. “Always, I am most thankful for you. Melly, you help me become a better person each day.”

Alex Gonzaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Toni Fowler hurt that no vloggers came to Alex Gonzaga's defense

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network
Featured Searches:
Read the Story →
Mikee Morada (left) to wife Alex Gonzaga (right): “Catherine, masakit at mahirap na lesson ito pero ang mahalaga ay ginawa mo ang dapat mong gawin at inako mo ang iyong pagkakamali. Patuloy man ang mga masasabing hindi maganda patungkol sa iyo at sa atin ay nandito ako para sa iyo."
PHOTO/S: Mikee Morada Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the eawan.com editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results