liboplays

Watch Now

Paolo Gumabao, sasabak sa rom-com movie; graduate na sa hubaran?

by PEP Troika
A day ago
paolo gumabao sara sandeva spring in prague
Paolo Gumabao stars with Macedonian actress Sara Sandeva (left photo) in the upcoming rom-com movie Spring In Prague to be shot in Czech Republic.
PHOTO/S: Jerry Olea / @paologumabao on Instagram

JERRY OLEA

Masaya si Paolo Gumabao sa bagong film project niya, ang Spring in Prague, na magsusyuting sa Czech Republic next month.

Rom-com ito at katambal niya rito ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. Isinulat ito ni Eric Ramos, at si Lester Dimaranan ang direktor. “I feel very blessed siyempre na napu-put into work ko na rin lahat ng mga natutunan ko sa nine years ko sa industriya,” sabi ni Paolo sa mediacon nitong Enero 18, 2023, Miyerkules, sa clubhouse ng Valle Verde sa Pasig City. “Kasi ngayon lang naman po ako nabibigyan ng mga chance. Pero hindi ko rin nire-regret at happy ako, masaya ako sa pinagdaanan ko. “Kasi kung ibibigay sa akin ang ganitong project five years ago, hindi ko kaya, e. So, feeling ko, dumating po lahat ng mga blessing sa aking kung kailan pakiramdam siguro ng universe na handa na ako.” Seven years old pa lang si Paolo ay pinangarap na niyang makilala bilang mahusay na artista. Nagkaka-acting award na siya ngayon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
“I’ve been dreaming of this moment since I was a kid. Lahat ng mga projects na nakukuha ko ngayon were all manifestations kumbaga,” pagngiti ni Paolo.

“Ini-imagine ko talaga siya dati pa. I also dreamed of working with a foreign actress, gaya ng nangyari. Yung Mamasapano, pangarap ko rin yun, mag-action.

“So to win awards, dream ko. Pero siyempre the learning doesn’t stop there. Alam ko rin talaga na napakaaga pa at napakabata pa ng career ko. “Pere I’m just here right now, ginagawa ko ang best ko sa lahat ng proyekto na ibigay sa akin. At siyempre, hopefully, isa tayo sa tumagal sa industriya.”

First choice ng Borracho Film Production si Paolo para sa Spring in Prague. Doon kasi sa naunang Borracho project niya na Mamasapano: Now It Can Be Told ay replacement siya kay JC de Vera.

Read: Paolo Gumabao, last-minute replacement kay JC de Vera sa Mamasapano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Lahad ni Paolo, “Actually, nung hindi pa siya tapos sulatin, kinausap na ako ni Atty. Ferdie Topacio about it because he really needed someone who could connect with a foreign actress kumpara sa mga iba. “Siyempre ako, I grew up in Taiwan. So, first language ko talaga is Chinese and English. So, kaya naging first choice ako para maging guide din for Sara. “Kasi siyempre iba rin yung industriya nila dun. Iba rin yung sistema nila. So, dito sa film na ito, I just focus on you know being the best leading man that I could.”

GORGY RULA

Katatapos lang ni Paolo ng Mamasapano: Now It Can Be Told na napasabak siya sa aksyon, at ngayon ay isang love story na may pagka-wholesome din.

Tapos na kaya siya sa hubaran at hindi na niya babalikan ang mga sexy projects na mapapahubad siya?

“Of course ako, I see myself not as a celebrity. Hindi ako artista, I am an actor. I am a slave to the craft,” sagot ni Paolo, na nag-frontal sa launching film niyang Lockdown (2021).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
“So, if someone gives me a script that I feel is beautiful and if I know that the director is gonna be working on it, if it’s an amazing and talented director na maalagaan ako sa lahat na mga eksena kong kukunan namin… “Plus yung magiging partner ko dun sa pelikula na yun is an actress na alam ko na mabibigyan din ng hustisya yung proyekto, game tayo diyan.”

Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies

Nakikita namang seryoso si Paolo sa pagiging aktor, at tila mamimili na siya ng magandang project sakaling mapapaghubad siya uli. “Siguro I wanna make sure na festival-worthy siya. Not only Cannes. There’s a lot of prestigious award-giving bodies sa ibang bansa. Hindi lang naman kailangang Cannes. Maraming mga iba. “So, if it’s a material or a script that I feel na madadala kami dun or feeling ko kaya kong gampanan at bigyan ng hustisya, e, tatanggapin ko po,” sabi pa ni Paolo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito sa Spring in Prague ay may pa-sexy pa rin, pero siyempre naka-focus sa love story nila ng leading lady niya ritong si Sara Sandeva.

“Andoon pa rin yung pagiging Paolo Gumabao na may konting… pero hindi na kagaya ng dati,” sambit ni Paolo. “Pero medyo mainit-init pa rin.” Pebrero 6 ang alis nila papuntang Prague. May shooting sila ni Sara sa Valentine’s Day.

NOEL FERRER

Gumaganap si Paolo bilang Noah, isa sa Super Soldiers na kalaban ni Darna (Jane de Leon), sa Kapamilya primetime fantaserye na Mars Ravelo’s Darna.

paolo gumabao darna

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Maliban kay Noah, ang iba pang mga sandata ni Heneral Borgo (Richard Quan) laban kay Darna ay sina Andre (Young JV), Mayor Zaldy (Simon Ibarra), Maisha (Dawn Chang), Sigfried (Joshua Colet), Arthur Pineda (Eric Fructuoso), Ishna (Kim Rodriguez), at Ali (Mark Manicad). Dahil sa berdeng kristal na pumasok sa kanilang katawan, kaya nang magmanipula ng apoy ni Noah. Si Andre ay may abilidad na magpasabog. May ekstrang lakas at kayang magpalaki ng katawan ni Mayor Zaldy. Si Maisha ay may kapangyarihang pagalawin ang mga tao. May control sa basura at iba pang bagay ang dating pulis na si Pineda. May kakayahang gumawa ng force field bilang shield si Sigfried. Aabangan ang transformation ni Ali habang isa namang shapeshifter ang assistant ni Borgo na si Ishna.

Tapos na bang mag-taping si Paolo sa Mars Ravelo’s Darna?

“They had to find a way to work with my character. Kasi, ang plano lang talaga ng Darna is like December 20, tapos na ang taping,” kuwento ni Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
“But siyempre, hindi natin maiiwasan, may mga delay. Minsan kasi maulan. Hindi makapag-taping, nade-delay. “So nag-extend hanggang January. E, may nakakasa nang project ko noong October pa lang. So, kailangang i-follow ko yung commitment ko.” Things are moving up and leveling up with Paolo. Sana, tuluy-tuloy na!!!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network
Featured Searches:
Read the Story →
Paolo Gumabao stars with Macedonian actress Sara Sandeva (left photo) in the upcoming rom-com movie Spring In Prague to be shot in Czech Republic.
PHOTO/S: Jerry Olea / @paologumabao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the eawan.com editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results